Ospital ng Muntinlupa, natanggap na ang 300 doses ng Sinovac
Binisita ni Muntinlupa Mayor Jaime R. Fresnedi, ang unang araw ng COVID-Vaccine roll-out sa Ospital ng Muntnlupa.
Kauna-unahang Muntinlupeno na naturukan ng COVID-19 Sinovac vacine, ang Direktor ng Ospital ng Muntinlupa na si Dr. Edwin Dimatatas.
Ang pamahalaang nasyonal ay namahagi ng Sinovac vaccines sa mga Pampublikong Ospital ng bansa, upang mabigyan ng proteksyon ang medical frontliners.
Tumanggap ng 300 doses ang Muntinlupa na hahatiin sa medical frontliners ng lungsod.
Hinikayat ni Mayor Fresnedi ang mga medical frontiliner at muntinlupeno na magpabakuna, upang makapagbukas at makabalik na sa normal ang ekonomiya.
Kabilang din sa nabakunahan sa 1st day COVID-Vaccine roll out sina City Councilor Allan Camillon, City Health Office Head-Dr. Teresa Tuliao at iba pang mga opisyales.
Samantala, bumili rin ang Muntinlupa City ng 400,000 doses ng vaccine mula sa British pharmaceutical firm na AstraZeneca.
Ulat ni Betheliza Paguntalan