Ospital ng Tondo sa Maynila pansamantalang isasara 

Isasara pansamantala ang Ospital ng Tondo sa Maynila.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, inaprubahan niya ang 10 araw na pagsasara ng ospital.

Ito ay kasunod ng tumataas na bilang ng mga Health care workers ng nasabing ospital na nagpositibo sa Covid-19.

Ayon sa alkalde, nasa 32 doctor at nurses ng Ospital ng Tondo na ang nagpositibo sa virus.

Layon ng temporary closure na mabigyang daan ang gagawing sanitation activities at mabigyan ng “breathing space” ang mga Medical staff ng ospital.

Nilinaw naman ng alkalde na ang mga pasyenteng naka-confine na sa ospital ng tondo kasama ang mga covid-19 patients ay patuloy pa ring bibigyan ng atensyong medikal.

Payo naman ng Manila LGU sa mga magpupunta sa Ospital ng Tondo na magtungo na muna sa iba pang pagamutan sa lungsod gaya sa Gat Andres Memorial Medical Center at Justice Jose Abad Santos General hospital.

Matatandaan na noong Mayo ay labing -apat na araw na isinara ang Ospital ng Tondo dahil din sa pagdami ng mga Health care worker na nagkakasakit.

Una rito isinara rin pansamantala ang Ospital ng Maynila dahil sa tumataas na bilang ng Health workers na nagpopositibo sa virus.

 

Ulat ni Madz Moratillo

Please follow and like us: