Outreach Program para sa mga senior citizen isinagawa sa Cavite
DASMARIñAS, Cavite — Tinatayang nasa 300 daang mga mag aaral ng nasabing unibersidad ang nagtungo sa pamayanan ng New Era sa Brgy. Sampaloc 5 lungsod ng Dasmariñas, Cavite upang bigyang kasiyahan ang may 200 senior citizens.
Ayon kay Ms. Elizabeth Banan, ang aktibidad nilang ito ay maghihikayat sa mga mga kabataan na mapanatili ang mabuting asal ng mga filipino na pagmamahal at paggalang sa mga nakatatanda.
Sinimulan ang aktibidad ng isang entertainment program kung saan napangiti ng mga mag aaral ang mga lolo at lola. Lumapit din sila upang magbigay galang sa pamamagitan ng pagmamano. Namahagi din ng goody bags ang mga mag-aaral at ng libreng eye checkup, eyeglasses at mga gamot.
Nagkaroon din ng handy craft making workshop, dito ay natuto ang mga senior citizen ng isang kaalaman na maari nilang maging libangan o makatutulong sa kanilang kabuhayan. Nagbigay din ng libreng legal advice ang College of Law ng New Era University.
Masaya namang pinagsaluhan ng mga lolo at lola at mga mag aaral ang inihanda nilang tanghalian sa pamamagitan ng isang boodle fight.
Tunay ngang ang pag-ala-ala sa mga nakakatanda, maliit man o malaking paraan ay makapagbibigay ngiti sa kanila. Hingit pa sa mga materyal na bagay na kanilang natanggap, ang pagmamahal at pagpapahalagang kanilang naranasan ay lubos nilang ipinagpapasalamat.