‘Outsiders’ at ‘Stereophonic’ nanguna sa Tony Awards
Nanguna sa Tony Awards, na pinakamataas na parangal sa American theater, ang coming-of-age musical na “The Outsiders” at “Stereophonic,” na isang play tungkol sa isang 1970s band na bumuo ng isang album.
Ang event ay ginanap sa Lincoln Center sa New York at sa ikatlong sunod na taon ay ang Oscar winner na si Ariana DeBose ang host nito.
Ang “The Outsiders,” na isang stage adaptation ng nobela ni S.E. Hinton tungkol sa class conflict sa pagitan ng dalawang high school gangs sa Oklahoma noong 1960s, ay nanalo ng award para sa best musical, ang ika-apat nitong parangal ng gabi matapos ding mapanalunan ang para sa best director, lighting and sound at design.
Ayon kay Angelina Jolie na isa sa producers ng show, “Society changes but the experience of being an outsider is universal. To any young person, any person feeling on the outside, you are not wrong to see what is unfair, you are not wrong to wish to find your own path.”
US actress Angelina Jolie (R), seen with daughter Shiloh, is one of the producers of ‘The Outsiders,’ which won the Tony Award for best musical / ANGELA WEISS / AFP
Ang “Stereophonic” naman na isinulat ni David Adjmi, ang nakakuha ng award para sa best play. Tungkol ito sa pagbuo ng isang album ng isang fictional rock band at kinatatampukan ng original music mula sa dating Arcade Fire member na si Will Butler.
Lima ang napanalunan nitong awards sa gabi ng parangal, kabilang ang best featured actor at best director, matapos na gumawa ng kasaysayan bilang “most nominated play ever with 13 nods.”
Ang “Merrily We Roll Along” ni Stephen Sondheim na tungkol sa kumplikadong relasyon ng tatlong magkakaibigan, ay nag-flop nang una itong magbukas noong 1981, ngunit nakabawi sa pamamagitan ng apat na awards na nakuha sa Tony kabilang ang best revival of a musical.
Ang mga bituin naman na sina Jonathan Groff at Daniel Radcliffe ng “Harry Potter” fame ay nakakuha rin ng trophies para sa kanilang performances sa show.
British actor Daniel Radcliffe won a Tony for his work in Stephen Sondheim’s ‘Merrily We Roll Along’/ANGELA WEISS / AFP
Ang pagkapanalo ng “The Outsiders” bilang best musical ay tila isang upset para sa “Hell’s Kitchen,” na isang jukebox musical na nakabatay sa buhay ng pop singer na si Alicia Keys, na nagwagi ng trophy para sa lead actress nito na si Maleah Joi Moon at featured actress na si Kecia Lewis.
Si Keys mismo ay umakyat sa entablado kasama ang cast upang awitin ang kaniyang massive hit na “Empire State of Mind,” na kinatatampukan ng sorpresang performance mula kay Jay-Z, na idinaan sa rap ang kaniyang verse mula sa labas ng teatro, kung saan pinuntahan siya ni Keys para tapusin ang kanta.
US musician Alicia Keys created one of the most electrifying moments of the Tony Awards with her performance of ‘Empire State of Mind’ with the cast of ‘Hell’s Kitchen’ — and Jay-Z/ANGELA WEISS / AFP
Wagi naman si Sarah Paulson ng Tony para sa best lead actress in a play para sa kaniyang performance sa family drama na “Appropriate,” na nanalo rin ng award para sa best revival of a play.
Si Jeremy Strong ng “Succession” fame ang nagwagi ng best lead actor in a play para sa revival ng “An Enemy of the People” ni Henrik Ibsen.
Ang gabi ng parangal ay isang pagbabalik para sa Tonys pagkatapos noong isang taon, kung saan ang nationally televised ceremony ay halos hindi nangyari dahil sa welga ng Writers Guild of America. Subalit ang show ay natuloy din, nang walang script.
Samantala, kabilang sa highlights ng gabi ang isang sizzling rendition ng “Wilkommen” mula sa “Cabaret” na pinagbibidahan ni Eddie Redmayne at ng high-flying acrobatics mula sa cast ng circus musical na “Water for Elephants.”
Pinangunahan naman ng broadway luminaries na sina Audra McDonald, Brian Stokes Mitchell at Bebe Neuwirth ang isang natatanging tribute para sa pumanaw nang si Chita Rivera, na namatay noong Enero sa edad na 91.
Sinayaw naman ni DeBose ang isang bahagi mula sa “West Side Story” kung saan niya ginampanan ang karakter ni Anita na orihinal na ginampanan ni Rivera, na nagpanalo kay DeBose ng isang Academy Award.
Ang legendary co-founder ng The Who na si Pete Townshend, ang tumugtog sa opening notes ng performance mula sa rock opera ng banda na “Tommy.”
Noong nakaraang buwan ay naglabas ng data ang Broadway League, ang national trade association ng industriya, na nagpapakitang dumagsa pa rin ang theatergoers sa Manhattan upang panoorin ang mga bagong produksiyon at revivals ng time-honored favorites.
Ayon sa liga, sa 2023-24 season, halos 90 percent ng available seats ang napuno, bahagyang tumaas kaysa nakaraang season, na siya ring unang pagkakataon na napuno iyon mula nang magpandemic. Katumbas ito ng attendance na 12.3 million.
Sa kaniyang opening monologue ay sinabi ni DeBose, “Headlines are frankly terrifying most of the time. But the theater is a safe place for us all. And in the most trying of times, art is imperative because art reflects society and provides context for the very real situations that we find ourselves in today.”