Overpriced na PPE’s na binili ng Gobyerno, kinukwestyon ng isang Senador
Pinagpapaliwanag ni Senador Risa Hontiveros ang Department of Budget and Management sa mga biniling milyon milyong piraso ng personal protective equipment mula Abril hanggang Mayo nitong taon.
Ayon Kay hontiveros, sa labing isang kontrata ng ppe na binili ng gobyerno, pito rito ay kinuha sa kumpanya sa China na overpriced ng 200 pesos per unit o katumbas ng one billion pesos.
Tinukoy ng senador ang inilabas na estimate ng Philippine general hospital kung saan umaabot lang sa 1200 hanggang 1500 ang kada set ng ppe pero nakapagtatakang umabot sa 1700 hanggang dalawang libo ang binili ng dbm.
Bukod sa mas inuna pang suportahan ang mga dayuhang kumpanya sa halip na locally manufactured.
Mahigit isang bilyong Piso aniya ang nawala sa kaban ng Bayan na nagamit pa sa sana sa pagbili ng mga karagdagang ppe o karagdagang pondo para itaas ang sweldo at hazard pay ng mga health workers.
Malaking insulto aniya ito sa mga negosyanteng pilipino na nakapag bigay sana ng karagdagang trabaho sa mga pilipino pero mas inuna pa ng gobyerno ang mga foreign companies
Statement Sen Risa Hontiveros
“Sa panahon na naghihingalo ang mga negosyanteng Pilipino, ang laking insulto naman na ang mga foreign companies pa ang nabigyan ng trabaho kesa sa kanila. Alam din natin na mas matindi ang quality assurance and control ng mga Philippine-made products, kaya nakakapagtataka kung bakit foreign-made ang inuna,”
Meanne Corvera