Oversight power ng Kongreso gagamitin para epektibong maipatupad ang rice price ceiling order ni PBBM
Suportado ng liderato ng mababang kapulungan ng Kongreso ang Executive Order number 39 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagtatakda ng price ceiling sa bigas.
Sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na gagamitin ng Kamara ang oversight power ng Kongreso sa pamamagitan ng House Committee on Agriculture and Foods para ituloy ang imbestigasyon sa isyu ng price manipulation at hoarding ng bigas ng mga tiwaling negosyante.
Una ng napatunayan sa imbestigasyon ng House Committe on Agriculture and Foods na mayroon talagang nagaganap na price manipulation at hoarding sa bigas kaya patuloy na tumataas ang presyo nito sa merkado.
Batay sa price ceiling order ng Pangulo ang presyo ng regular milled rice ay 41 pesos ang kada kilo at ang well milled rice ay 45 pesos per kilo upang mapanatiling affordable ang presyo nito sa mga ordinaryong mamamayan.
Bago inirekomenda ng Department of Agriculture o DA, at Department of Trade and Industry o DTI ang price ceiling sa bigas ang umiiral na presyo ng bigas sa merkado ay 42 hanggang 55 pesos ang kada kilo ng regular milled rice at ang well milled rice ay 48 hanggang 56 pesos ang kada kilo.
Mananatili ang bisa ng price ceiling order ng bigas sa bansa hanggat hindi binabawi ni pangulong marcos jr. ang executice order number 39 sa rekomendasyon ng price coordinating council, da at dti.
Vic Somintac