P 10,000 hazard pay sa mga medical frontliners isinusulong sa Senado
Nais ni Senator Francis Pangilinan na itaas sa sampung libong piso ang hazard pay kada buwan ng mga medical frontliners.
Naghain si Pangilinan ng Senate Bill No. 2142 na layong payendahan ang Magna Carta of Public Health Workers o Republic Act 7305 para itaas ang allowances at iba pang kompensasyon ng mga public health workers.
Sa panukala, itataas sa 20 percent ang kasalukuyang 10 percent na night diffrential allowance ng mga public health workers kasama na ang kanilamg overtime work.
Katumbas ito ng sampung libong piso kada buwan mula sa kasalukuyang five thousand pesos.
Katwiran ng Senador, tatlumpung taon na ang batas at hindi na tumutugma sa kasalukuyang sitwasyon para tugunan naman ang pangangailangan ng mga healthcare workers.
Iginiit ni Pangilinan na ang mga medical frontliners ang nakikipaglaban sa matinding panganib na dala ng COVID-19 at tama lang na bigyan sila ng sapat na kompensasyon.
Statement of Senator Francis Pangilinan
“Malinaw na hindi sapat ang compensation para sa ating public health workers lalo na ngayong pandemya. Sila na nga ang nahaharap sa panganib, hindi pa mapunan ang kanilang mga pangangailangan upang, unang una, maging ligtas habang nasa frontlines at pangalawa, mabigyan ng katumbas na pasahod ang kanilang serbisyo,”
“Front-line workers ang tawag sa kanila dahil sa giyera laban Covid, sila ang unang nakaumang sa panganib. Deserve nila ang buong suporta at benepisyo mula sa gobyerno, hindi sapat na tawagin silang bayani,”
“We also want to provide aPag aaralan din aniya ang pagbibigay ng subsistence allowance ng hanggang 300 pesos kada araw ar dagdag na laundry allowance na rerebyuhin kada taon depende sa kanilang pangangailangan”.
Nauna nang umangal ang mga miyembro ng Alliance of Health Workers dahil sa mga hindi naibibigay na benepisyo at allowances hanggang noong nakaraang taon batay sa itinatakda ng bayanihan to heal as one law.
Meanne Corvera