P 50,000 minimum wage para sa mga health worker isinusulong
Isinusulong ni Senator Manny Pacquiao na mabigyan ng limampung libong minimum wage ang mga healthcare workers kada buwan.
Naalarma ang senador sa unti unting pagkaubos ng filipino health workers kabilang na ang mga nurse at mga doktor dahil sa umanoy napakababang sweldo at miserableng working conditions.
Ayon sa mambabatas, ang tumitinding kaso ng COVID- 19 sa bansa ay nangangahuluhan rin ng serbisyo ng mas maraming health professionals.
Pero sa halip na pumasok sa mga pribado at mga pampublikong ospital, ang mga nurses at doktor nangingibang bansa.
Katunayan noong nakaraang taon sa kasagsagan ng pandemya kung saan marami ang naospital, mahigit sampung libong health professionals ang umalis ng bansa para magtrabaho sa abroad dahil sa kawalan ng sapat na sahod at benepisyo.
Kung hindi aniya gagawa ng hakbang ang gobyerno, hindi malayong magkaroon pa ng exodus at maubos ang mga healthcare workers.
Meanne Corvera