P1000 polymer banknotes, available na sa mas maraming ATMs sa buong bansa– BSP
Umaabot na sa 17,302 automated teller machines (ATMs) sa buong bansa ang na-recalibrate na ng mga bangko sa katapusan ng Disyembre para makapaglabas ng P1000 polymer banknotes
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ito ay katumbas ng 92% ng kabuuang bilang ng ATMs sa buong bansa.
Aabot naman sa 7,274 polymer-ready ATMs ay matatagpuan sa National Capital Region.
Dahil dito, inaasahan ng BSP na mas lalawak ang sirkulasyon at paggamit ng publiko sa P1000 polymer banknotes.
Sa tala ng BSP, nasa 39 milyong piraso o 7.8% ng kabuuang P1000 polymer banknotes na ilalabas ng central bank ang available na sa publiko noong katapusan ng Nobyembre 2022.
Moira Encina