P13.6 milyong halaga ng shabu, nasamsam sa Sulu buy-bust
Higit P13 milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng Sulu police, sa isang buy-bust operation sa Indanan, Sulu, at inaresto ang isang opisyal ng barangay at dalawang iba pa.
Banggit ang report ng Indanan Municipal Police station report, sinabi ng Philippine National Police (PNP) na P13.6 milyong pisong halaga ng shabu ang nasamsam mula kay Ilahan Sabdain Yahya, 48-anyos, barangay kagawad ng Gata-Gata, Panglima Estino; Muride Jarih Ahajan, 31-anyos; at Elmina Hamidan Unaid, 24-anyos.
Ang mga naarestong suspek ay nasa kustodiya na ng Indanan Municipal Police Station.
Samantala, ang mga narekober na ebidensya ay dinala naman sa Philippine Drug Enforcement Agency para isailalim sa laboratory examination.
Sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002, ang mga suspek.
Ayon kay Police Brigadier General Eden Ugale, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) director . . . “I congratulate the operating units for this successful operation. Ang magandang kooperasyon at koordinasyon natin ang isa sa naging daan upang masabat ang nasabing dami at halaga ng hinihinalang shabu. Panatilihin natin ang ugnayan at pagsasanib pwersa sa ating kampanya laban sa iligal na droga, kriminalidad, at terorismo tungo sa mapayapa at ligtas na Bangsamoro Region.”