P150 million confidential budget ng DepEd , idinepensa ni Vice President Sara Duterte
Idinepensa ni Vice president Sara Duterte ang 150 million pesos na confidential funds na nakapaloob sa hinihinging budget ng Department of Education para sa susunod na taon.
Sa budget hearing sa Senado, sinabi ni Duterte na ang paggamit ng confidential funds ay pinapayagan sa ilalim ng Joint Circular 2015-01 sa limang departamento ng pamahalaan kabilang na ang Department of National Defense at Department of Budget and Management.
Hindi lang aniya ito ginagamit para sa surveillance activities kundi sa civilian government agencies para magawa ang mandato nito.
Malaking hamon aniya ang kinakarap ngayon ng DepEd na mangangailangan ng confidential funds tulad ng pagkakasangkot ng ilang guro at estudyante sa mga kaso ng pag -abuso sa illegal drugs, violent extremism, insurgency at terorismo na ang madalas na target ay mga estudyante.
Tiniyak naman ni Duterte sa mga mambabatas na naayon sa mga umiiral na batas ang gagawin nilang paggastos sa pondo.
Aabot sa 810 billion pesos ang hinihinging budget ng DepEd pero nasa 666 billion pesos lang ang inaprubahan ng DBM.
Meanne Corvera