P18M pondo gagamitin ng DA sa cloud seeding at water management sa harap ng El Niño
Naglatag ng contingency measures ang Department of Agriculture (DA) kasama ang mga attached agencies para pakiharapan ang epekto ng El Niño phenomenon.
Kasunod ito ng deklarasyon ng DOST-PAGASA na ng El Niño alert sa buong bansa.
Isa sa ikinokunsidera ng DA ang cloud seeding at pagpapaigting sa water management ng bansa.
Sinabi ni DA Director for Field Operations Service Nichols Manalo, humiling ang kagawaran sa national government ng P18-milyong pondo para gamitin sa cloud seeding katuwang ang Philippine Air Force (PAF)
Batay sa climate outlook record ng PAGASA, inaasahang tatamaan ng El Niño ang Cordillera Administrative Region (CAR), Regions 1, 2, 3, 4A, 4B, 5, 6, 7, 8, CARAGA at National Capital Region (NCR).
Inaasahan aniya ng mga magsasaka na may pagkukunan ng tubig sa panahon ng tagtuyot ang irrigation water allocation na mula sa mga dams, cloud seeding at deep-well pumping.
Idinagdag ni Manalo nakahanda na rin ang DA sa production effect ng El Niño sa bigas at mais kasama ang mga high-value crops na kinabibilangan ng mga prutas at gulay.
Kaugnay nito sinabi naman ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Spokesman Nazario Briguerra na mayroon na ring hakbang na ginagawa ang ahensiya para protektahan ang mga mangingisda sa epekto ng El Niño.
Sinabi ni Briguerra na pinaka-apektado ang mga mangingisda na nasa sector ng land at water aqua culture dahil sa panahon ng tagtuyot ay bababa ang water level at oxygen level sa mga palaisdaan na magdudulot ng fish kills.
Inihayag ni Briguerra na sinabihan na ng BFAR ang mga nasa aqua-culture na sundin lamang ang tamang volume ng fingerlings sa mga palaisdaan upang maiwasan ang pagkakaroon ng low oxygen level.
Batay sa record ng DA noong 2019 kung saan tumama ang malalang epekto ng El Niño sa bansa ay umabot sa P10.7-bilyong halaga ng pinsala sa mga agricultural products.
Vic Somintac