P2-M halaga ng mga ukay ukay , nasabat ng Bureau of Customs
Dalawang milyong pisong halaga ng mga ukay ukay na iligal na ipinuslit sa bansa ang nasabat ng Bureau of Customs sa Mindanao Container Terminal.
Ayon sa Customs, idineklara ang mga ito bilang mga gamit na kumot, punda at laruan mula sa Korea.
Pero matapos inspeksyunin nakita na mga ukay ukay pala ang laman nito.
Tinatayang nasa 400 bundle ng ukay ukay o used clothing ang nasabat na naka consign sa Humility Trading.
Naglabas naman ng alert order ang BOC laban sa nasabing shipment upang hindi ito mailabas habang patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon.
Kabilang sa maaaring kaharapin ng mga nasa likod ng iligal na importasyon ang mga kasong paglabas sa Customs Modernization and Tariff Act.
Ang importasyon ng used clothings ay mahigpit ring ipinagbabawal sa ilalim ng Republic Act 4653.
Madz Moratillo