P5.3M kada araw na lugi kung isasara ang Puerto Galera – DOT
Nababahala ang Department of Tourism (DOT) sakaling isara ang Puerto Galera bunsod ng oil spill.
Sa pagtaya ni Tourism Secretary Christina Frasco, hindi bababa sa P5.3-milyon kada araw ang projected na mawawala sa kita sa turismo sa Puerto Galera o P900-milyon sa loob ng anim na buwan.
Aabot naman aniya sa 11,000 na manggagawa sa tourism-related industries at 139 DOT-accredited tourism enterprises ang maaapektuhan sa Puerto Galera.
Sinabi pa ni Frasco na 85% ang kontribusyon ng Puerto Galera sa tourism economy ng Oriental Mindoro.
Katunayan aniya, noong 2022 ay mahigit P590 million ang kinita ng destinasyon mula sa foreign arrivals at 56,194 na turista ang dumayo sa lugar.
Nilinaw naman ni Frasco na walang swimming ban na ipinatupad ang Department of Health (DOH) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) at nananatiling viable bilang tourist destination ang Puerto Galera.
Moira Encina