P5K Ayuda sa mga newly graduates na naghahanap ng trabaho isinusulong sa Senado
Isinusulong sa Senado ang panukalang batas na mabigyan ng P5,000 ayuda ang mga bagong nakapagtapos sa kolehiyo at naghahanap ng trabaho.
Sa Senate bill 2186 o Fresh Graduate One Time Grant na inakda ni Senador Cynthia Villar, bibigyan sila ng ayuda ng gobyerno para tulungang makapagsimula sa paghahanap ng trabaho.
Aminado ang senador na marami ang gastusin sa pag-a-apply kasama na rito ang pagkuha ng iba’t ibang requirements sa mga ahensya ng gobyerno
Ino-obliga naman ang mga kabataan na magpakita muna sa mga local government units (LGUs) ng kopya ng kanilang diploma o anumang certification na sila ay nakapagtapos sa anumang tertiary education institution bago sila mabigyan ng ayuda
Ang pondo para dito na aaprubahan ng Kongreso ay idadaan sa Commission on Higher Education (CHED).
Meanne Corvera