P5M halaga ng equipment para maiwasan ang paglipana ng WMDs, ibinigay ng US sa DTI
Natanggap na ng Strategic Trade Management Office (STMO) ng DTI ang P5 milyong halaga ng equipment para makatulong sa pagpigil nito sa paglipana ng weapons of mass destruction sa bansa.
Kabilang sa mga donasyon ay 40 tablets, 30 computers, at 30 anti-virus software packages.
Ayon sa US Embassy, makatutulong ang equipment para mapabilis ng STMO ang mga proseso nito at mapalakas ang kapasidad para epektibong mapangasiwaan ang strategic trade controls.
Gayundin, makakaagapay ito sa STMO sa pagtupad ang papel nito bilang lead government agency sa pagrehistro at licensing ng mga kumpanya at pag-establish ng management systems para sa trading ng mga goods sa ilalim ng Philippine Strategic Trade Management Act (STMA).
Ang U.S. Export Control and Border Security (EXBS) Program at STMO ay nagtutulungan para makabuo ng ligtas na trade mechanisms at epektibong export control system at makatugon ang bansa sa non-proliferation obligations sa ilalim ng United Nations Security Council Resolution (UNSCR) 1540.
Moira Encina