P8-M halaga ng ilegal na droga nakumpiska ng SPD sa drug buy-bust operations

Photo: SPD

Umabot sa P8,679.60 halaga ng droga ang nakumpiska ng Southern Police District (SPD) sa kanilang anti-illegal drugs operations sa loob ng pitong araw.

Nagresulta sa pagkaka-aresto ng 75 mga indibidwal ang 58 nilang operasyon na isinagawa sa Southern Metro Manila, nitong nakaraang linggo mula September 16 hanggang September 22.

Nakumpiska sa mga drug suspect ang 1,282.35 gramo ng hinihinalang shabu at ang 30.83 gramo ng marijuana.

Binigyang diin ni District Director Pol. Brig. Gen. Leon Victor Rosete, na sa tulong ng publiko ay hindi sila titigil sa pagsisikap na gumawa ng mga paraan upang mapuksa ang ilegal na droga

Archie Amado

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *