Pa – Australia Ka Ba ?
Mga kapitbahay, kasama ba sa bucket list ninyo ang pagpunta sa Australia? Puwedeng pupunta doon dahil sa nais na makapag-aral o makapagtrabaho o makapanirahan na!
Tamang-tama , sa interview ng Let’s Get Ready To TVRadyo ay napag-usapan ang tungkol dito dahil isang Migration Agent, si Ms. Johanna Bertumen Nonato ang nakakwentuhan nina Mr. Nelson Lubao at Mr. Don Orozco.
Sa tanong na open ba ang Australia sa migrants? Ang sagot ni Ms. Johanna …. definitely.
Pero, ang Australia ay hindi katulad ng Middle east na may ‘job order’ o agency.
Ang kailangan ay may sponsored visa. May mag-sponsor na employer at kailangang ma-meet ng employer ang requirement at dapat kasama sa occupation list.
At maraming gastusin ang employer na mag-sponsor.
Maraming Pinoy ang nasa Australia sabi ni Ms. Johanna, sila ay mga naka temporary visa gaya ng mga estudyante o may student visa.
Samantala, dahil sa pandemic kinulang ang mga skilled worker kaya ‘yung mga employer ay nag-sponsor ng Pinoy workers na nasa Australia na at nabigyan ng working visa.
Mahalagang isang migration agent aniya ang makausap ng isang nagnanais na magpunta sa Australia para makaiwas sa mga panloloko o maharap sa mas maraming gastusin.
Ang problema kasi kapag ang nakausap mo ay walang expertise, kaya marami ang naloloko.
Marami aniyang klase ng advisors, kaya mas mabuting isang migration agent or immigration lawyer ang kausap dahil may expertise sa visa legislation.
Samantala , sabi pa ni Ms. Johanna maaari namang magpunta sa website ng Department of Home Affairs ng Australia o sa kanilang website, BridgeAus migration consultancy at naroon ang basic information kung paano mag-migrate sa Australia at mapapanood din siya sa You Tube Channel.
Ang normal na gagastusin sa pagpunta ng Australia, Sabi ni Ms. Johanna para sa skilled worker ay nasa P 350-500 thousand pesos dahil sa maraming bayarin.
Pero, ang kapalit naman ay permanent residency visa, counterpart ng green card holder sa Amerika.
Pero, kapag gustong mag-aral, mas mahal, kasi expensive ang mag-aral sa Australia kumpara sa Pilipinas.
Naitanong din nga pala sino ang madaling makapasok ng trabaho sa Australia?
Ang sabi niya ay engineers, teachers, welders, at ngayong pandemya, ‘yung mga nasa medical field like nurses, social workers.
Dagdag pa nga ni Ms. Johanna na ang permanent residency visa ay may expiration after the fifth year, you can either renew it or on your fourth year sa Austrealia,puwede ng mag apply ng citizenship or Australian citizenship.
So, ayan na mga kapitbahay, at least nagkaron tayo ng additional info sakaling may magtanong kung paano sila makapupunta sa Australia maliban sa pagsakay sa eroplano, he he he. Until next time !