Pabahay para sa mga government health workers isinusulong sa Kamara
Inihain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 3194 o panukalang maisabatas ang programang pabahay para sa mga government nurse sa bansa na iniakda ni Pinuno Partylist Representative Howard Guinto.
Naniniwala si Guinto na ang programang pabahay para sa government nurses ay isa sa mga paraan upang mahimok ang mga ito na manatili sa bansa at huwag ng mag-abroad.
Sinabi ng mambabatas na mahalaga ang papel ng mga nurse dahil sila ay nagta-trabaho sa mga ospital,klinika, opisina, paaralan, home health care at senior living facilities.
Sa kasagsagan ng pandemya ng COVID-19, nagkaroon ng pangangailangan ng mga nurse sa ibat-ibang panig ng mundo kapalit ng malaking sahod.
Kapag naging ganap na batas, masasakop ng Nurses Housing Program ang mga government nurse na mabigyan ng housing loans na mayroong abot-kayang interest rates at long-term payment period.
Ang National Housing Authority o NHA, National Home Mortgage Finance Corporation, Home Guaranty Corporation at Government Service Insurance System o GSIS ay magkakaroon ng kani-kanilang mandato para sa implementasyon ng batas at matustusan ang programa.
Vic Somintac