Pag-aampon sa Pilipinas magiging madali na
Magiging madali na ang proseso ng pag-aampon sa Pilipinas.
Itoý matapos pinal na pagtibayin ng Senado ang Senate Bill 1933 Domestic Administration Adoption Act.
Dalawampu’t dalawang Senador ang pumabor at walang tumutol sa panukala na inakda nina Senador Grace Poe at Bong Revilla .
Sa inaprubahan ng Senado, aabot na lang sa anim hanggang siyam na buwan ang proseso ng pag-aampon sa mga batang iniwan sa mga bahay ampunan.
Magtatatag naman ng isang National Authority for Child Care na siyang hahawak sa lahat ng applications, petitions at iba pang isyung may kinalaman sa pag-aampon.
Ang anumang magiging desisyon ng NACC ay maari namang i-apela sa Court of appeals.
Sinabi ni Senador Risa Hontiveros na Chairman ng Senate Committee on family relations na papatawan naman ng mabigat na parusa ang mga indibidwal o sindikato na gagamitin ang pag-aampon sa Child exploitation.
Meanne Corvera