Pag-aangkat ng manok mula sa Luzon ipinagbawal ng DA
Mahigpit na ipinagbawal ng Department of Agriculture ang pag-aangkat ng mga manok mula Luzon sa iba’t-ibang bahagi sa bansa.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Pinol, layon ng pamahalaan na i-contain ang paglaganap ng kauna-unahang bird flu outbreak sa bansa.
Nilinaw ni Pinol na hindi kasama sa ban ang mga ibon na dumaan sa pamamagitan ng Manila airport, subalit mahigpit nilang isasailalim ito sa istriktong quarantine protocols.
Dagdag pa ng kalihim ang mga karneng manok na inimport mula US ay hindi dapat alisin sa mga kahon at kailangan iload kaagad sa mga connecting flights patungong Visayas at Mindanao.
Inihayag din ng kalihim na kanilang idineklara ang 7-kilometer “controlled zone” sa mga poultry farm sa bayan ng San Luis, kung saan 37 fowls ang namatay dahil sa bird flu at nasa 200,000 na mga manok, pato (ducks), pugo (quails), pigeons at mga panabong na manok nakatakdang patayin.
Wala ring fowls eggs ang maaring ilabas sa “controlled zone” at ang mga sasakyan na labas masok sa poultry farms ay dapat isprayan ng disinfectant.