Pag-aarmas ng mga sibilyan maaring maabuso
Nagbabala si Senator Ping Lacson na maauuwi sa pag-abuso ang panukalang armasan ang mga civilian anti crime groups.
Ang pag-aarmas ng mga sibilyan ay una nang binanggit ng Pangulo nang ilunsad ang coalition ng lingkod bayan advocacy group sa kampo krame noong biernes.
Ayon kay lacson, walang sapat na training ang mga sibilyan para labanan ang mga kriminal.
Tinukoy nito ang mataas na kaso ng pagpatay sa America dahil sa mga loose firearms.
Sinabi pa ni Lacson noong naging pinuno siya ng Philippine National Police, nilimitahan ang pag- iisyu ng permit to carry firearms outside residence.
Inoobliga naman aniya ang mga may baril na sumailalim sa gun safety seminar, neuro psychiatric tests at personal appearance ng mga nag aalay ng lisensya sa baril.
Naniniwala ang Senador na dapat mga uniformed police at military personnel lang ang dapat magbitbit ng mga baril sa labas ng kanilang tahanan.
Meanne Corvera