Pag -aarmas ng mga sibilyan tinutulan ng mga Senador
Kinontra ng mga Senador ang panukalang armasan ang mga sibilyan para mapigilan ang krimen.
Pangamba ni Senador Ping Lacson, bukod sa posibleng pag- abuso, delikadong armasan ang mga sibilyan lalo na kung walang sapat na pagsasanay at maayos na pag-iisip.
Dapat nga aniyang higpitan pa ang panuntunan sa pag iisyu ng permit to carry firearms outside residence gaya ng ginawa nya noong pinuno pa ng pnp.
Kabilang na rito ang mandatory na Pagsasailalim sa gun safety seminar, neuro psychiatric tests at personal appearance ang lahat ng mga nag aalay ng lisensya sa baril.
Naniniwala ang Senador na dapat mga uniformed police at military personnel lang ang dapat magbitbit ng mga baril sa labas ng kanilang tahanan.
Hindi rin pabor si Senador Aquilino Koko Pimentel sa isyu.
Dapat pa nga aniyang higpitan at ipatupad ang batas sa gun ownership at mga unlicensed firearms.
Para maresolba ang krimen dapat inirekomenda ni Pimentel ang pagkuha ng mas maraming pulis at sumailalim sa sa masusing pagsasanay sa ilalim ng visiting forces agreement.
Itoy para madagdagan ang kaalaman ng mga pulis sa paglaban at pagresolba sa mga krimen.
Pero si Senador Ronald Bato Dela rosa na dati ring pinuno ng PNP, walang nakikitang masama kung mag-aarmas ang mga sibilyan.
Makakatulong aniya ito bilang dagdag na manpower para sa pagpapanatili ng peace and order sa bansa.
Paglilinaw naman ni Senate President Vicente Sotto matagal nang nag-aarmas ang mga sibilyan at kailangan lang ay amyendahan ang batas para mapabilis ang pagkuha ng lisensya.
Meanne Corvera