Pag-aarmas sa mga civilian anti crime volunteers idea pa lamang ni Pangulong Duterte – Malakanyang
Hindi pa isang policy o patakaran ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na armasan ang mga civilian anti crime volunteers.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na idea pa lamang ng Pangulo na bigyan ng armas ang mga civilian anti crime volunteers na kakatulungin ng pamahalaan laban sa mga elementong kriminal at terorista.
Ito ang sagot ng Malakanyang sa mga tumututol sa nais ng Pangulo na pag-aarmas sa mga civilian anti crime volunteers.
Ang usapin sa pag-aarmas ng sibilyan ay inalmahan ng human rights groups maging sina Vice President Leni Robredo at Senador Panfilo Lacson na naging PNP Chief sa pangambang magkakaroon ng pang-aabuso dahil sa armas.
Vic Somintac