Pag-abandona sa stocks ng China Mobile, isinisi sa mahinang performance ng China Telecom
Inabandona ng mga investors ang hanggang 756 million yuan ( $121 million) na halaga ng shares ng China Mobile na isang bagong rekord dahil sa tila pagkadismaya sa performance ng China Telecom.
Nabatid ito sa A-share IPO results na inilabas ng China Telecom na may 40 percent stake sa Dito Telecommunity Corp., ang third telco player sa Pilipinas noong Dec. 28,2021.
Ang China Telecom na na-delist sa US ay nag-aalok ng A-share price na mas mababa sa issue price.
Sa public notice ng China Mobile (00941.HK) ay lumabas na ang bilang ng unpaid A shares online trade ay mahigit sa 12.91 million na katumbas ng 743 million yuan ($119 million) na halaga ng shares habang ang bilang ng unpaid offline trade ay mahigit sa 220,000 shares na katumbas ng 12.7 million yuan ($2.03 million).
May kabuuan itong 756 million yuan ($121 million) na mas mataas sa 653 million yuan ( $100 million) na naunang iniulat mula sa China Postal Savings Bank Co., Ltd. (601658.SH) noong December 2019 kaya isa itong bagong rekord.
Naniniwala ang brokerage analysts na ang price drop ng China Telecom nang mas mababa sa issue price nito ang isa sa mga rason kaya inabandona ng mga investors ang A-share stocks ng China Mobile.
Ang China Mobile, China Telecom (00728.HK), at China Unicom (00762.HK) ang top three telecom operators ng China na pinatanggal sa New York Stock Exchange (NYSE) ni noo’y U.S. President Donald Trump.
Alinsunod sa executive order ni Trump, ang Office of Foreign Assets Control (OFAC) ng U.S. Department of the Treasury ay nag-isyu ng liham sa NYSE noong Jan. 5, 2021 na nagbibigay-linaw na matapos ang 9:30 a.m. Eastern Standard Time sa Jan. 11, 2021, ang mga mamamayan sa U.S. ay hindi na maaaring magkaroon ng stock transactions sa naturang mga kumpanya.
Noong Jan. 6, 2021 ay ipinatupad ng NYSE ang delisting procedure para sa tatlong telecom operators.
Pagkalipas ng dalawang linggo ay nagsumite ang China Mobile ng written request sa NYSE para sa reconsideration.
Gayunman ay ibinasura ng NYSE ang apela para sa reconsideration ng China Mobile noong May 6, 2021.
Madelyn Moratillo