Pag-amiyenda sa Local Government Code, pinag-aaralan na ng Kamara
Pinag-aaralan na ng Kamara ang pagpapasa ng amiyenda sa Local Government Code para maipagpaliban ang Brgy at SK elections sa Oktubre.
Sa harap ito ng panukala Pangulo na huwag ituloy ang Barangay election dahil 40 porysento umano ng mga Barangay official ang konektado sa operasyon ng iligal na droga.
Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, valid naman ang objective ng Pangulo na tuluyang malinis ang Pilipinas laban sa droga.
Susuportahan aniya nila ang desisyon ng Pangulo kaya hihilingin nilang sertipikahang urgent ang ihahain nilang amyenda.
Posible aniyang matalakay agad ito sa pagbabalik ng sesyon sa May 2.
Pagtiyak naman ni Cibac Partylist Repsentative Sherwin Tugna, Chairman ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms, pag-aaralan nila ang batayan ng Pangulo pero kailangang may compelling reason bago payagang ipagpaliban ang eleksyon.