Pag- amyenda sa Asin law papaspasan ng Senado
Papaspasan na ng Senado ang pag- amyenda sa Republic Act 8172 o Asin law na itinuturong pumatay sa industriya ng asin sa bansa.
Ayon kay Senador Cynthia Villar, na Chairman ng Senate Committee on Agriculture, na isasama nila sa gagawing amyenda ang pagpapadali sa pagkuha ng permit sa ilalim ng DENR.
Marami kasi aniya sa mga magsasaka ayaw ng bumalik sa paggawa ng asin dahil sa napakaraming hinihinging permit bago makapagtayo ng salt farm.
Kasama rin aniya sa kanilang gagawing amyenda ang pagtatanggal ng probisyon na nag- oobliga sa mga salt farmers na dapat iodized ang ibentang asin sa merkado.
Iginiit naman ng Senador na kailangan ang suporta ng gobyerno sa mga magsasaka at hindi dapat umasa sa importation.
Babala ng Senador tuluyan nitong papatayin ang sektor ng agrikultura na mapanganib dahil wala tayong maaring pagkunan kapag nagkaroon naman ng kakapusan ng suplay sa ibang bansa.
Meanne Corvera