Pag-amyenda sa Train law, nakikitang solusyon sa pagsirit ng presyo ng bilihin
Ikinukunsidera ng Senado na amyendahan ang Train law.
Sa harap ito ng pagsirit ng presyo ng mga pangunahing bilihin at inflation.
Ayon kay Senador Grace Poe, chairman ng Senate committee on Public
Services magpapatawag sila ng ikalawang pagdinig sa Train law sa Albay
ngayong linggo para malaman kung kailangan bang amyendahan na ang
batas.
Pabor ang Senador na magpatupad ng wage increase pero hindi aniya ito
ang solusyon kung patuloy na magmamahal ang mga bilihin at serbisyo.
Senador Grace Poe:
“Kailangan nating tingnan kung kaya rin ba ng ating mga businesses na
ito’y i-shoulder kasi sila rin naman ay natatamaan ng impact, kasi
bibili sila ng supply, nagbabayad rin naman sila ng kuryente. So
talagang yung puno’t dulo nito ang pagtaas talaga ng presyo—kaya
kailangan nating tingnan kung kailangan bang amyendahan ang TRAIN law or definitely ipa-suspend yung tax sa fuel kung pumalo sa $80 per
barrel na ayon sa batas iyon”.
Isa naman sa inirekomenda ni Senador JV Ejercito ay tanggalin na ang
excise tax sa mga produktong petrolyo at dagdagan na lang ang buwis sa
tobacco products.
Senador Ejercito:
“Kuhain na lang natin sa tobacco tax tapos i-adjust natin ang excise
tax sa petroleum para di mag cause masyado ng inflationary effects sa
tingin ko may room pa tayo in that way at least mako control natin ang
inflation at the same time yung needed revenue makukuha natin”.
Ulat ni Meanne Corvera