Pag-atake ng China sa teritoryong pag-aari ng Pilipinas nakakabahala na – Senado
Nababahala na ang mga senador sa sunod sunod na pag atake ng china sa mga teritoryong pag aari ng pilipinas.
Ipinakita pa ni Senador Francis Tolentino ang mga litrato at video ng pagkukumpulan ng mga chinese vessel sa Sabina Shoal at Rozul Reef at pag harvest ng mga corals doon.
Hinala ni Tolentino, reclamation na ang kasunod ng hakbang ng china na posibleng magtayo ng base o artificial island ang gagawin sa lugar….
“Hindi ito ordinary swarming lang. May ginagawa. May patutunguhan. Kung ano yung patutunguhan di ko pa masagot. Subalit makikita natin maging sa pag-iikot ng mga barko talagang grupo grupo, kumpul pumpol.” pahayag ni Senador Tolentino.
Ayon sa senador, ang pagsira at pagnanakaw sa mga corals ng china ay paglabag sa United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS at dapat humingi ng damages ang Pilipinas sa ginawa ng china’
“Magkaiba na ngayon ang kulay ng Escoda. Ito yung bagong kulay. Ito yung dating kulay. Ibig sabihin may pinatong na materyales sa ilalim na kakaiba sa natural elements nung di pa durog-durog yung corals.” patuloy na pahayag pang mambabatas.
Tinawag naman na foul ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang hakbang ng China.
Isa aniya itong pagsira sa food security issue dahil makaka-apekto ito sa mga mangingisdang Pilipino dahil ang mga bahura ay breathing grounds ng mga isda.
“Oo food security issue. Kapag winasak na po nila yun anong magagawa ng ating mangingisda? Wala na pong fishing grounds dahil wala na pong breathing grounds ang ating mga isda, so definitely they are sabotaging our natural resources and because of that they are also sabotaging our ability to feed our people. Mawawalan na po ng isda itong mga lugar na ito. Talagang nakakainis wala po akong masasabi kundi nakakainis talaga.” painis na salita ni Senate President Juan Miguel Zubiri.
Apila ni senador Jinggoy Estrada sa malacanang makipag usap na sa counterpart nito sa China.
Napapanahon na aniyang umaksyon ang Pilipinas sa matinding pambu-bully ng China dahil wala namang nangyayari sa mga inihahaing diplomatic protest laban sa China
“Nakakalungkot dahil hindi inaaksyunan parang nagpa file tayo ng diplomatic protest every month nagiging piece of paper na lang hanggang doon na lang tayo. Resolve neighboring. Allies share same opinion we have to consult allies even US, Australia, New Zealand gustong sa atin pati EU consolidate our allies.” dagdag naman ni senador Jinggoy Estrada.
Ayon kay Zubiri, nagdagdag na sila ng 600 million budget para gamitin sa pagtatayo ng mga marine radio stations sa ibat ibang sulok ng Pilipinas kasama na ang West Philippine Sea na siyang magbabantay sa mga karagatang sakop ng bansa.
“We are having one on the coast of Pangasinan, we will having one on the coast of Palawan. Ito po ay mga radio stations, marine radio stations na magbabantay po sa ating karagatan. So that’s already in the budget and we are going to, that will be a senate initiative so that we will put more outpost all over these areas. Sa ginagawa nila dapat tayuan talaga natin ng radio station yan para at least mabantayan ng maayos kasi kung hindi kawawa talaga ang mga mangingisda. It’s going to be a food security issue. Mawawalan po tayo ng isda dito sa mga lugar na ito.” karugtong na pahayag ni Zubiri.
Meanne Corvera