Pag-atake ng Israel sa Syria hindi palalampasin ng Iran
Kinondena ni Iranian President Ebrahim Raisi ang mapaminsalang air strike sa consular annex ng Iran sa Damascus, Syria na isinisisi sa Israel sa pagsasabing “cowardly crime will not go unanswered.”
Sa website ng tanggapan ni Raisi ay nakasaad, “After repeated defeats and failures against the faith and will of the Resistance Front fighters, the Zionist regime has put blind assassinations on its agenda in the struggle to save itself.”
“Day by day, we have witnessed the strengthening of the Resistance Front and the disgust and hatred of free nations towards the illegitimate nature of (Israel). This cowardly crime will not go unanswered.”
Ang air strike sa limamng palapag na gusali ng Iranian embassy ay ikinamatay ng pitong miyembro ng Islamic Revolution Guards Corps, na siyang namamahala sa overseas military operations ng Iran.
Kabilang sa mga namatay ay sina Brigadier Generals Mohammad Reza Zahedi at Mohammad Hadi Haji Rahimi, kapwa senior commanders sa Quds Force, ang foreign operations arm ng Guards.
Ang 63-anyos na si Zahedi, ay humawak ng ‘succession of commands sa force’ sa kaniyang career sa Guards na mahigit apat na dekada.
Tumanggi namang magkomento ng Israel sa nasabing strike.
Samantala, ngayong Martes ay pag-uusapan ng UN Security Council ang nangyaring ‘deadly strike’ sa isang pulong na hiniling ng Russia na ka-alyado ng Syria.
Sinabi ng Iran mission sa UN, “Iran reserves its legitimate and inherent right under international law and the United Nations Charter to take a decisive response to such reprehensible acts.”
Banta pa nito, “The strike could ‘potentially ignite more conflict involving other nations’ and so we called on the Security Council to condemn this unjustified criminal act.”