Pag- Close at Open ng kamay, problema mo rin ba ?
Hello mga kapitbahay ! Kumusta na kayo? Today, pagkwentuhan natin ang problema ng mga masisipag at ng mga nagkakaedad , ang trigger finger .
Ito po ‘yung kapag ang hintuturo na hirap at halos hindi mo na maibaluktot , masakit at makirot. ‘Yung iba ay naooperahan pa nga.
Mahirap at tunay na perwisyo hindi po ba ? Kahit may gusto kang gawin , hindi mo lubos na magawa.
Nagkakaroon ng trigger finger kinaulanan kapag ang gawain o trabaho ay may kaugnayan sa pagta type o sa pagsusulat .
Actually, ito ang isa sa naging paksa sa programang Kapitbahay noong Sabado sa segment ni Dr. Rylan Flores, isang orthopedic surgeon at gusto kong ibahagi ito sa mga nagbabasa ngayon.
Sa Sabi ni Dok segment, kapag sinabing trigger finger , mapapansin na kapag nag close-open ng kamay , may isang daliri na ayaw mag open o isang daliri na magsara.
More often than not , ang pamamaga ang dahilan. Kapag ito ay binalewala o pinabayaan lang , puwedeng lumala. At kapag lumala, maaaring mangapal ang litid sa kamay.
Kapag ganito ang sitwasyon, maski anong gamot ang inumin o kahit magpa therapy pa, hindi ito malulunasan basta-basta , kaya, nauuwi sa operasyon.
Samantala, para lang may idea tayo mga kapitbahay , ang operasyon sa trigger finger ay ginugupit ang litid sa kamay na apektado para muling maisara ang daliri.
Siyempre, ang mga espesyalista ang makapagsasabi kung dapat na ngang operahan o baka naman may iba pang paraan na puwedeng gawin.
More often than not sabi ni Doc Rylan, about 95-98 percent, hindi na bumabalik kapag naoperahan sa ‘same’ na daliri.
Pero, alalahanin natin na may limang daliri sa kamay, sampung daliri sa dalawang kamay natin. Kaya , nangangahulugan na may possibility of recurrence .
Siyanga pala, ‘yung operasyon ay tumatagal ng halos 30 minutes o mas mahaba depende kung maraming mga daliri ang apektado .
Samantala, sinasabi ding ang trigger finger ay karaniwan sa may diabetes, rheumatoid arthritis at osteoarthritis.
Sana ay nakatulong ang paksang ito sa inyo, hanggang sa susunod na kwentuhan mga kapitbahay !