Pag-imprenta ng disenyo at image ng PH banknotes, ipinagbabawal –BSP
Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) laban sa pag-imprenta ng image at disenyo ng Philippine banknotes o salaping papel.
Ito ay kasunod ng pagkakadakip ng mga otoridad sa lalaki na suspek sa pagbebenta ng cash o money envelopes gamit ang larawan at disenyo ng 1000-Piso New Generation Currency banknote.
Ayon sa BSP, maaaring makulong sa loob ng lima hanggang 10 taon ang magri-reproduce ng image ng alinmang salaping papel ng bansa kung walang approval mula sa central bank.
Ito ay kahit pa ang inimprenta ay black and white, may kulay, o kombinasyon ng mga kulay.
Maaring payagan ang publiko na mag-reproduce ng disenyo at larawan ng banknotes kung nakakuha ng otorisasyon mula sa BSP para sa educational, historical, numismatic, newsworthy, at iba pang relevant purposes na magsusulong sa integridad at dignidad ng Philippine currency.
Moira Encina