Pag- inom ng 3-4 na tasang kape bawat araw, dulot ay benepisyo kaysa pinsala sa kalusugan – ayon sa pag aaral
Sa London, sinasabi ng mga siyentista at mananaliksik na ang mga taong umiinom ng kape ng tatlo hanggang apat na beses ay mas nabebenepisyuhan kaysa napipinsala.
Kabilang sa benepisyong pangkalusugan ay pagkaranas ng mabababng tsansa ng Premature death at Heart disease.
Bukod dito, natuklasan din sa pag aaral na iniuugnay ang pag inom ng kape sa pagbaba ng tsansa ng pagkakaroon ng diabetes, liver diseases, demential at ilang cancers.
Paalala lang ng mga eksperto, hindi kasama dito ang mga kagampan o nagdadalang tao, sa halip ay mayroon silang dapat na inumin upang makatulong sa ikalulusog nila at ng baby sa kanilang sinapupunan na kanilang malalaman sa kanlang ob-gynecologist.
Ulat ni Belle Surara