PAGASA: Walang namumuong sama ng panahon na maaaring pumasok sa PAR sa susunod na 3 araw
Easterlies pa rin o mainit na hanging nagmumula sa Dagat Pasipiko ang umiiral sa buong bansa ngayong Linggo.
Dahil dito, ayon sa Pag-Asa na asahan ang maaliwalas na papawirin lalu na sa malaking bahagi ng Luzon na halos walang makitang kaulapan.
Wala ring namomonitor ang weather bureau na sama ng panahon o bagyo na maaaring pumasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility sa susunod na tatlong araw.
Pero sa Katimugang bahagi ng bansa partikular sa Palawan kasama ang Kalayaang Islands ay maging maulap ang papawirin at asahan ang mga pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat.
Samantala, asahan naman ang mga panandaliang pag-ulan sa Northern Mindanao at Zamboanga Peninsula.
Pero sa nalalabing bahagi ng Visayas at Mindanao ay generally good weather ang iiral at ay mga tsansa ng pag-ulan sa dakong hpon at gabi.
Inaasahang papalo ng hanggang 39 degree celsius ang temperatura sa Tuguegarao city habang 36 degree naman sa Metro Manila.
Posible ring umabot ng hanggang 42 degree ang Heat index o init na maaaring maranasan sa Tuguegarao, Cagayan.
Kaya pinag-iingat ang publiko sa direkta at matagalang exposure sa araw at dagdagan ang pag-inom ng tubig upang makaiwas sa heat stress.