Pagbaba ng Unemployment rate sa 8.7%, Welcome sa Kamara
Ikinatuwa ni Albay Representative Joey Salceda ang pagbaba ng porsyento ng mga walang trabaho sa bansa.
Pero ayon kay Salceda hindi magiging ganap ang pagbangon ng ekonomiya mula sa pandemya ng COVID- 19 kung walang suporta ng BAYANIHAN III.
Batay sa quarterly labor force survey ng Philippine Statistics Authority o PSA , naitala sa 8.7 % ang 3rd quarter unemployment rate sa taong ito.
Mas mababa kumpara sa 17.3% ng nakalipas na quarter.
Naniniwala naman si Salceda , na Chairman ng House Committee on ways and means at Co- Chair ng House Economic recovery , sa oras na magkaroon ng bakuna at bumalik na sa dating normal ang sitwasyon ay maaring bumaba pa sa 5 hanggang 6 % ang Unemployment rate.
Eden Santos