Pagbaba ng unemployment rate sa bansa ngayong last quarter ng taon , ikinatuwa ng Malakanyang

Ipinagmalaki ng Malakanyang ang pagbaba ng unemployment rate sa bansa ngayong last quarter ng taon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles na batay sa labor force survey ng Philippine Statistics Authority o PSA nasa 7.4 percent ang unemployment rate sa bansa noong buwan ng October kumpara sa 8.9 percent na naitala noong buwan ng September.

Ayon kay Nograles, malaking tulong ang ginagawang pagluluwag ng pamahalaan sa mga restrictions sa gitna ng pandemya ng COVID-19 sa bansa dahil marami na ang nakakabalik sa trabaho at muling nagbubukas ang mga negosyo.

Inihayag ni Nograles, maganda ang projections ng mga economic managers ng pamahalaan sa pagbagon ng ekonomiya ng bansa dahil patuloy na bumababa ang kaso ng COVID-19.

Ayon kay Nograles basta mahigpit na sundin ng publiko ang ipinatutupad na minimum health standard protocol makakabawi ang buhay at kabuhayan sa bansa kahit may nakaambang panganib ng Omicron variant ng COVID-19.

Vic Somintac

Please follow and like us: