Pagbabakuna laban sa COVID-19, sinimulan na sa Sto. Tomas, Pangasinan
Sinimulan na sa Sto. Tomas, Pangasinan ang Resbakuna Kasangga ng Bida Fronliners Vaccination Program, kung saan 20 frontliners ang tumanggap ng unang dose ng bakuna laban sa COVID-19.
Kasama sa mga binakunahan ay ang Municipal Health Officer ng Bayan na si Dr. Timothy S. Villar VII, kasama ang Regional Health Unit (RHU) personnel and staff, contact tracers, Local Disaster Risk Reduction Officers at social workers.
Ang mga nabanggit ang unang tumanggap ng bakuna, na susundan ng iba pang mga kawani ng local na pamahalaan hanggang sa lahat nan g mga mamamayan sa naturang bayan.
Ang vaccination program ay pinangunahan ng mga kinatawan ng Department of Health sa pangunguna ni Dra. Jasmin B. Rodrigo at Dr. Stachys Neil Espino.
Ito ay Isinagawa sa public auditorium na sinaksihan ng mgatauhan ng Local Government Unit (LGU), sa pangunguna ni Mayor Timoteo “Dick” S. Villar III kasama ang Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Wilfredo Pescador, Bureau of Fire Protection at ilang kawani ng Department of Education.
Sinabi ni Jill Asuncion, Nurse 2 ng RHU, na kailangang mabakunahan ang mga mamamayan upang magkaroon ng proteksyon laban sa lumalaganap na COVID-19.
Bago pa man simulan ang pagbabakuna ay nagkaroon na ng mga pagseseminar sa mga bara-barangay sa nasabing bayan, upang ipaliwanag ang kahalagahan ng Anti-COVID Vaccine.
Dagdag pa ni Asunsion, ang bakuna ang syang tumutulong at gumagawa ng anti-bodies sa ating katawan na siyang lumalaban sa mga virus, na nagdudulot ng sakit partikular na ang COVID-19.
Samantala, tatanggap ng sa 2nd dose ng bakuna ang mga binakunahan matapos ang 8 linggo o tinatayang 2 buwan.
Ulat ni Peterson Manzano