Pagbabakuna sa mga mag-aaral, compulsory na sa Los Angeles
Ipinag-utos ng mga kinauukulan sa Los Angeles, na dapat ay fully vaccinated na laban sa Covid-19 ang mga batang mag-aaral na edad 12 pataas, sa pagsisimula ng klase sa susunod na taon.
Ang panukala mula sa Los Angeles Unified School District (LAUSD), na pinakamalaki sa buong Estados Unidos, ay ginawa bunsod ng lubhang pagtaas sa bilang ng infections dulot ng Delta variant.
Sa isang pampublikong paaralan na pinamamahalaan ng LAUSD, ay nasa halos 600,000 na ang mga estudyante.
Ayon kay LAUSD prrsident Kelly Gomez . . . “The vaccine is safe, effective, and the best way to keep our students protected against the virus. We will work to ensure families have reliable medical information in the coming weeks.”
Una nang ipinag-utos ng distrito ang regular testing para sa mga bata, at required ang pagsusuot ng mask sa mga campus sa loob man o sa labas. Ang mga staff naman ay dapat bakunado na.
Sa ilalim ng bagong mandato, lahat ng mga batang dumadalo sa in-person classes ay kailangan nang mabigyan ng first dose sa November 21, at ang second dose ay sa January 10.
Ang plano ay suportado ng teachers’ unions at mas nakararami sa mga magulang.
Ayon naman sa mga lokal na opisyal, nasa mga 58 porsiyento na ng mga nasa edad 12 at 18 ang mayroon nang 1st dose ng bakuna.
Ang bakuna, masks at iba pang mitigation measures laban sa Covid-19, ay naging isa nang malalim na isyung politikal sa Estados Unidos, kung saan binabanggit ng maraming pulitiko ang personal na kalayaan para tanggihan ang mga panuntunan na ayon sa mga doktor ay magbibigay proteksiyon sa mga mamamayan.