Pagbabalik ni Donald Trump sa kapangyarihan, maingat na hinihintay ng United Nations
Pinagpaplanuhan na ng United Nations ang posibleng pagbabalik ni Donald Trump at ang pagbabawas sa pondong mula sa US, at ugnayan nito sa organisasyon na malamang na maging kaakibat ng ikalawang termino nito bilang pangulo.
Sinabi ng isang senior Asian diplomat na parang may pakiramdam ng “déjà vu and some trepidation” sa kalipunan ng 193-member world body, nang manalo ang Republican na si Trump sa halalan noong Martes laban sa Democratic Vice President na si Kamala Harris.
Ayon sa diplomat na ayaw magpabanggit ng pangalan, “There is also some hope that a transactional administration will engage the UN on some areas even if it were to defund some dossiers. After all, what bigger and better global stage is there than the United Nations?”
Ang pag-atras ng US sa UN ay maaaring makapagbukas ng pintuan para sa China, na nagpapalakas ng impluwensiya nito sa global diplomacy.
Kaunti lamang ang detalyeng ibinigay ni Trump tungkol sa patakarang panlabas sa kanyang ikalawang termino, ngunit sinabi ng kaniyang mga tagasuporta na ang puwersa ng kanyang personalidad at ang kanyang diskarte sa “kapayapaan sa pamamagitan ng lakas” ay makatutulong upang mapasunod ang mga dayuhang lider sa kanyang gusto.
Nangako siyang lulutasin ang digmaan sa Ukraine at inaasahang magbibigay ng malakas na suporta sa Israel sa hidwaan nito sa Hamas at Hezbollah sa Gaza at timog Lebanon.
Kabilang sa pangunahing inaalala ng UN ay kung magpapasya ang Estados Unidos na bawasan ang kontribusyong salapi sa organisasyon, at umatras mula sa mga pangunahing multinational institutions at mga kasunduan, kabilang ang World Heath Organization at Paris climate agreement.
Ang pondong galing sa US, ang pinaka-ipinag-aalala ng UN, dahil ang Washington ang pinakamalaking contributor ng organisasyon, pangalawa ang China, na kumakatawan sa 22 percent ng UN core budget at 27 percent naman ng peacekeeping budget.
Sa pag-upo ni Trump sa kapangyarihan noong nakaraan ay nagmungkahi itong bawasan ang humigit-kumulang sangkatlong (quarter) bahagi ng US diplomacy at aid budgets, na kinabibilangan ng malaking pagbawas sa pagpopondo para sa UN peacekeeping at international organizations.
U.S. President Donald Trump is seen on a screen through a window into an empty conference room as he delivers a pre-recorded address to the 75th annual U.N. General Assembly at United Nations headquarters, which is being held mostly virtually due to the coronavirus disease (COVID-19) outbreak in New York, U.S., September 22, 2020. REUTERS/Mike Segar/File Photo
Nguni’t ang panukala ay itinulak pabalik kay Trump ng Kongreso, na siyang nagtatakda ng federal US government budget.
Sinabi ng isang tagapagsalita ng UN, na nang mga panahong iyon ay gagawing imposible ng panukalang pagbawas ang lahat ng mahahalagang gawain.
Ayon kay Richard Gowan, UN director sa International Crisis Group, “The UN secretariat has known that they could face a Trump comeback all year. There has been prudent planning behind the scenes on how to manage potential US budget cuts. So (UN Secretary-General Antonio) Guterres and his team are not totally unprepared, but they know the next year will be extremely hard.”
Hindi agad tumugon ang team ni Trump nang tanungin tungkol sa nasabing polisiya tungkol sa UN, sa sandaling maupo na siya sa White House sa Enero.
Sa kanyang unang termino, ay nagreklamo si Trump sa hindi patas na pasanin sa gastos sa UN at nagsulong ng mga reporma. Ang Washington ay tradisyonal na mabagal na magbayad at nang umalis si Trump sa White House noong 2021 ang US ay may atraso nang humigit-kumulang $600 milyon para sa pangunahing badyet at $2 bilyon para sa peacekeeping.
Ayon sa UN figures, ang administrasyon ni Pangulong Joe Biden ay kasalukuyang may utang na $995 milyon para sa pangunahing badyet ng UN at $862 milyon para sa badyet ng peacekeeping.
Sinabi ng tagapagsalita ni Guterres na si Stephanie Dujarric, “I don’t want to pre-empt or speak about policies that may or may not happen, but we work with member states in the way we’ve always worked with member states.”
Sa 2026, ay pipili na ang UN Security Council ng magiging kapalit ni Guterres, isang desisyon kung saan magkakaroon ng veto power ang administrasyon ni Trump.
Sa unang termino ni Trump, ay binatikos niya ang United Nations. Inihayag niya ang mga planong humiwalay na sa World Health Organization, sa UN Human Rights Council, sa UN cultural agency na UNESCO, umatras sa pandaigdigang kasunduan sa pagbabago ng klima at sa Iran nuclear deal.
Bago ang US election, isang senior European diplomat ang nagsabing, “A Trump win would be ‘great news for China,’ during Trump’s first term ‘the Chinese influence in the UN increased’ a lot because it was an open bar for the Chinese.”
Ang naturang diplomat na ayaw magpakilala ay nagsabing, “If Trump again cuts UN funding and withdraws from international pacts, ‘it will just give China the opportunity to present itself as the supporter number one’ of multilateralism.”
Pinagdududahan din ang US funding para sa ilang iba pang UN agencies. Ang isa sa mga naging unang hakbang ng Trump administration noong 2017 ay bawasan ang pondo para sa UN Population Fund (UNFPA), ang ahensiya ng UN na nakatuon sa family planning at maging sa maternal at child health sa mahigit 150 mga bansa.