Pagbabalik ni Embiid naging inspirasyon ng Sixers upang talunin ang Thunder
Nagbigay ng inspirasyon ang pagbabalik ni Joel Embiid mula sa dalawang buwang injury layoff, upang talunin ng Philadelphia 76ers ang Oklahoma City Thunders sa score na 109-105.
Ang NBA reigning Most Valuable Player ay isang ‘surprise late inclusion’ sa starting line-up ng Sixers sa Wells Fargo Center, nang magbalik makaraang dumanas ng knee injury sa kanilang laro laban sa Golden State noong January 30 kung saan sila natalo.
Ang pagkawala ni Embiid sa Sixers’ season ay malaki ang naiambag upang bumagsak sila sa play-in positions sa Eastern Conference sa halip na sa automatic postseason spots.
Ang pagbabalik ng 30-anyos ay nangangahulugan na may kakayahan pa rin ang Sixers na sirain ang form book at makapasok sa playoffs makaraang talunin ang Thunder, na pumasok sa laro bilang Western Conference leaders.
Si Embiid, na nakagawa ng 24 na puntos, pitong assist at anim na rebound matapos magtala ng halos 30 minutong oras ng laro, ay halatang pagod na pagod matapos hilahin ang Sixers sa panalo.
Nang tanungin kung ano ang kaniyang nararamdaman pagkatapos ng kanilang tagumpay ay sinabi ni Embiid, “Not good. But I’m glad we got through it and we got the win.”
Sinabi ni Embiid na ang kaniyang rehabilitasyon mula sa napunit na kaliwang meniscus ay isa sa pinaka ‘challenging’ injury layoffs ng kaniyang career.
Aniya, “This one took a toll mentally. I just wanted to come back. I’m only going to get better but this one has been the hardest by far, especially mentally.”
Nanguna ang Oklahoma City sa malaking bahagi ng laro at tila nasa daan ng tagumpay, makaraang magbukas ng isang 13-point lead sa unang bahagi ng second half.
Gayunman, ang fourth-quarter rally mula sa Sixers ang nagpabago sa kurso ng laro upang pumabor sa home team.
Dalawang Embiid free throws ang naglagay sa Philadelphia sa kalamangan sa score na 106-105 sa nalalabing 38 segundo, pagkatapos ay gumawa siya ng isang ‘crucial steal’ bago ang foul na nagbigay-daan sa ‘free throw line’ upang makaiskor ang Sixers at lumamang ng 108-105.
Sinelyuhan naman ni Tobias Harris ang kanilang panalo sa 109-105 sa pamamagitan ng isang ‘late free throw.’