Pagbabalik sa 100% F2F classes malabo na – DepEd
Hindi na babalik sa Pure face to face classes ang mga bata sa lahat ng pampublikong eskwelahan sa buong bansa.
Ito’y kahit ibinaba na ang alert level ng quarantine restrictions kabilang na ang Metro manila.
Sinabi ni Deped Director Roger Masapol na nag- invest na ang Deped sa internet communications kaya itutuloy pa rin ang blended distance learning.
Bukod dito 6,213 pa lang sa may 48,000 na mga eskwelahan ang nakatugon sa ginawang health assessment.
Marami raw sa mga eskwelahan ang hindi pa makapaglagay ng pasilidad para sa handwashing na isa sa requirements ng Department of Health.
Bukod dito, kahit bakunado na ang mga bata magpapatupad pa rin sila ng one meter distance kaya hindi rin sabay sabay na makakapasok sa classroom ang mga bata.
Ang ilang mga magulang hati naman sa isyu ng face to face classes .
Bukod sa hindi pa raw bakunado ang mga anak nangangamba pa rin na mahawa sa virus.
Meanne Corvera