Pagbagsak ng C130 plane sa Sulu, pinaiimbestigahan na ng mga Senador
Pinaiimbestigahan na ng mga Senador ang pagbagsak ng isang C130 plane sa Patikul, Sulu na ikinamatay ng 50 katao na kinabibilangan ng 47 sundalo at 3 mga sibilyan.
Para kay Senador Richard Gordon ang nangyaring plane crash ay maituturing na urgent call na makakaapekto sa national security ng bansa.
Napapanahon rin ayon kay gordon na bumili na ng mga bagong C130 ang gobyerno at matiyak na regular na nasusuri ang mga aircraft ng bansa.
Senador Gordon:
“The crash of the C130 in Sulu is an urgent call affecting national security. C130s are the workhorses of any army. C130’s efficiency and load capacity whether troops & cargo during conflicts or disasters .it is tailor made for our 7641 islands”.
Para kay Senador Francis Pangilinan, dapat makapaglatag ng paraan para maiwasan ang katulad na trahedya.
Sinabi naman ni Senador Grace Poe, ang nangyari ay paalala sa sakripisyo ng mga sundalo na nakikipaglaban para sa soberenya ng bansa.
Nagpaabot naman ng pakikiramay si Senador Imee Marcos sa pamilya ng mga sundalo at sibilyan na nadamay sa naturang trahedya.
Umapila rin ito sa gobyerno na itigil na ang pagbili ng mga tinawag nitong flying coffins para sa mga sundalo.
Senador Marcos:
” I offer my sincerest condolences to the families of the 47 Philippine Army soldiers and three civilians who perished in the crash. Our unsung heroes spent their everyday saving lives, rescuing the injured, helping entire communities survive with food packs and medical supplies. But we couldn’t save them when they needed help. Stop buying flying coffins! No more soldiers’ widows and orphans”.
Meanne Corvera