Pagbangga ng Chinese Coast Guard sa supply ship ng Pilipinas kinondena ng Kamara
Kinondena ng Kamara ang naging aksyon ng barko ng China Coast Guard (CCG) na nagresulta sa pagbangga nito sa bangka na magdadala ng suplay sa mga sundalong nakadestino sa BRP Sierra Madre.
Sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na ang ginawa ng Chinese Coast Guard ay hindi lamang naglagay sa panganib sa buhay ng mga tripulanteng pinoy kundi lalong magpapalala ng tensiyon sa rehiyon.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) limang barko ng China Coast Guard at walong Chinese Maritime Militia Vessels (CMMV) ang nagsama-sama upang maharang ang resupply mission ng Pilipinas.
Inihayag ni Romualdez na gagawin umano ng gobyerno ng Pilipinas ang lahat ng mapayapang pamamaraan upang mapigilan ang mga ganitong hakbang ng China sa hinaharap.
Vic Somintac