Pagbebenta ng bigas sa ilang lugar sa labas ng bansa, ipinagbawal ng India
Ipinagbawal ng India, na pinakamalaking exporter ng bigas sa buong mundo, ang pagbebenta ng bigas sa ilang lugar sa labas ng bansa, na ayon sa gobyerno ay agad na magkakabisa, isang hakbang na maaaring lalo pang makapagpataas sa presyo nito.
Ang bigas ay isang pangunahing pagkain sa mundo at ang mga presyo nito sa international markets ay lubhang tumaas habang ang mundo ay nakikipaglaban sa COVID-19 pandemic, sa giyera sa Ukraine at sa epekto ng El Nino weather phenomenon sa mga antas ng produksyon.
Ayon sa consumer affairs at food ministry, ipagbabawal ng India ang pag-export ng non-basmati white rice na kumakatawan sa halos isang-kapat ng kabuuan nito.
Sa isang pahayag ay sinabi nito, “The move would ‘ensure adequate availability’ and ‘allay the rise in prices’ in the domestic market.”
Ayon sa data analytics firm na Gro Intelligence, “India accounts for more than 40 percent of all global rice shipments, so the decision could ‘risk exacerbating food insecurity’ in countries highly dependent on rice imports.”
Dagdag pa nito, ang mga bansa na maaaring maapektuhan ng ban ay ang African nations, Turkey, Syria, at Pakistan na lahat ay pawang nahihirapan na sa mataas na food-price inflation.
Sabi pa ng ministry, “Global demand saw Indian exports of non-basmati white rice jump 35 percent year-on-year in the second quarter.”
Ang pagtaas ay nangyari kahit na ipinagbawal pa ng gobyerno ang rice shipments at nagpataw ng 20 percent export tax sa white rice noong Setyembre.
Ang India ay nag-export ng 10.3 milyong tonelada ng non-basmati white rice noong nakaraang taon, at sinabi ng senior analyst ng Rabobank na si Oscar Tjakra na ang mga alternatibong supplier ay walang karagdagang kapasidad upang punan ang puwang.
Ayon kay Tjakra, “Typically the major exporters are Thailand, Vietnam, and to some extent Pakistan and the US. They won’t have enough supply of rice to replace these.”
Tinukoy din niya na ang pagkansela ng Moscow sa Black Sea grain deal na nagpo-protekta sa Ukrainian exports ay nagbunga na ng pagtaas sa presyo ng wheat.
Aniya, “Obviously this will add into inflation around the world because rice can be used as a substitute for wheat.”
Sinabi naman ng direktor ng ratings agency Crisil na si Pushan Sharman, “Rice prices in India rose 14-15 percent in the year to March and the government ‘clearly viewed these as red lines’ from a domestic food security and inflation point of view.”
Noong isang taon ay binawasan na rin ng India ang pag-export ng wheat at asukal upang makontrol ang mga presyo.