Pagbebenta ng mga govt. assets para tugunan ang pandemya dapat pag-aralang mabuti ng gobyerno
Hati ang mga Senador sa pahayag ni Pangulong Duterte na handa ang pamahalaan na magbenta ng mga properties para pondohan ang gastusin ng gobyerno sa pagtugon laban sa COVID- 19.
Inirekomenda ni Senador Ping Lacson na magsagawa ng audit at piliin na lang ang mga assets na maaring ipagbili tulad ng mga nagpapabigat sa gobyerno.
Pero dapat aniyang manatili ang mga government owned and controlled corporations na nakakapag remit ng revenue sa pamahalaan.
Para kay Senator Sonny Angara, dapat itong pagplanuhang mabuti ng gobyerno.
Pero kung ito aniya ang last resort para tugunan ang problema sa pandemya, sana raw huwag isama sa mga ibebenta ang mga heritage properties gaya ng CCP at coconut palace.
Iginiit naman ni Senate President Pro tempore Ralph Recto na sa tingin nya wala pang pangangaangan sa ngayon na magbenta ng government asset.
Dapat na lang aniyang pagtuunan ang vaccination roll out para makalabas na ang mga mangagawa at maibalik ang sigla ng ekonomiya.
Meanne Corvera