Pagbebenta ng softdrinks at candy sa school canteen, ipagbabawal ng DEPED
Tuluyan nang pagbabawalan ng Department of Education ang pagbebenta ng mga softdrink at candy sa mga school canteen sa buong bansa.
Ito ang nilalaman ng bagong DEPED memorandum na pirmado ni Secretary Leonor Briones na tuluyang ng pagbabawal sa mga pagkaing mayroong mataas na saturated fat o asukal ganoon din ang pagkain na maalat.
Tanging mga pagkain lamang gaya ng unsweetened milk, fresh buko juice, brown rice , mais, oatmeal, mga gulay at prutas.
Binalaan din ng DEPED na kanilang pananagutin ang mga paaralan na lalabag sa nasabing kautusan.
Please follow and like us: