Pagbibigay ng tamang benepisyo at security of tenure sa mga miyembro ng media, isinulong
Isinusulong ni Senate President Vicente Sotto III na na mabigyan ng tamang benepisyo at security of tenure ang mga miyembro ng media.
Sa Senate Bill No. 1820 na inakda ni Sotto o Media Workers’ Welfare Act, inoobliga ang mga media entity na bigyan ng tamang suweldo, gawing regular sa trabaho at mabigyan ng arawang 500 pisong hazard pay ang mga mamamahayag na ide-deploy sa mga mapanganib na coverage.
Sinabi ni Sotto na malaki rin ang sakripisyo ng mga magagawa sa media na mas mahaba ang ginugugol na oras sa kanilang trabaho kumpara sa kanilang pamilya.
Hindi naman aniya maaaring isantabi ang papel ng media lalo na sa pagbibigay ng tamang impormasyong sa publiko lalo na kapag may kalamidad o anumang kaso ng health emergency sa bansa.
Statement Senate Pres. Tito Sotto:
“Our media workers have sacrificed a lot in the name of public service. They spend more time with their microphones and cameras, recorders and laptops than in their beds, their fur babies and their loved ones”.
Meanne Corvera