Pagbibitiw ni Budget Secretary Wendel Avisado, tinanggap na ni Pangulong Duterte
Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw sa pwesto ni Budget Secretary Wendel Avisado dahil sa medical reason.
Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque makaraang lumabas ang papel mula sa tanggapan Executive Secretary Salvador Medialdea.
Una nang sinabi ng DBM na naka-medical leave si Secretary Avisado mula August 2 hanggang August 13 batay sa payo ng kaniyang doktor makaraang tamaan ng COVID-19.
Si Secretary Avisado ay sumailalim sa quadruple open heart bypass 14 na taon na ang nakakalipas.
Itinalaga naman ng Pangulo bilang OIC sa DBM si Undersecretary Tina Rose Marie L. Canda.
Vic Somintac