Pagbibitiw ni NAPC lead convenor Liza Masa, ikinalungkot ng Malakanyang
Natanggap na ng Office of the President ang irrevocable resignation ni National Anti Poverty Commission o NAPC lead convenor Liza Masa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nakakalungkot ang pag-alis ni Maza sa gabinite.
Ayon kay Rogue wala namang nagpapaalis kay Maza sa puwesto dahil taglay nito ang tiwala ng Pangulo.
Inihayag ni Roque maghahanap na ang Malakanyang ng magiging kapalit ni Maza sa binakante nitong puwesto.
Ginawang dahilan ni Maza sa kanyang pagbibitiw sa tungkulin ang pagbuhay sa kasong double murder kasama ang tatlong iba pang dating militanteng mambabatas na kalaunan ay dinismis ng hukuman, pagbabalik sa kapangyarihan ng mga Marcos pagkakaluklok ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa House Speakership at pagkakasuspendi ng peace process sa mga rebeldeng komunista.
Ulat ni Vic Somintac