Pagbili ng bakuna laban sa COVID- 19, dapat na raw itigil ng gobyerno
Dapat na raw itigil ng gobyerno ang pagbili ng bakuna laban sa COVID- 19.
Ayon kay Senador Aquilino Koko Pimentel, bukod sa sobra sobra na ang suplay ng bakuna, may isyu kung epektibo pa nga ba sa bagong variant ng virus ang mga bakuna.
Hindi naman ito pabor sa mga mungkahing iturok na sa mga braso ang sobra sobrang bakuna dahil malapit na itong mag-expire.
Kailangan parin aniyang nakabatay ito sa siyensa at kung nakabatay sa orihinal na formulation.
Nakakalungkot para kay Senador Francis Tolentino na nagkumahog ang Pilipinas na bumili ng bakuna gayung sobra na pala ang suplay.
Mungkahi ng Senador ang mga sobrang suplay ay maaari namang ibigay na lang ng Pilipinas sa ibang bansa kahit pautang ang ipinambili ng bakuna.
Bukod sa makakatulong ito sa ibang bansa, malaking advantage ito sa trade relations.
Meanne Corvera